|
Kasosyong Reader, Ito po ang update ko sa iyo sa pag bili ko ng 3000 KG na gulay po. Kahapon, biglaan akong nakatanggap ng balita. May 3,000 KILOGRAMS ng Chinese cabbage na posibleng masira at mabulok sa loob lamang ng ilang araw. Imagine ninyo, mga Kasosyo. Pinaghirapan itong itanim. Tapos possible na mabulok lang. Kaya sabi ko: BIBILHIN KO LAHAT. Ang problema ko pagkatapos? Ano naman ang gagawin natin sa 3,000 kilos na Chinese cabbage? Nag-post ako at humingi ako ng suggestion sa inyo. At napakarami sa inyong nagsabi: “Gawin nating KIMCHI!” Ang problema… Hindi naman ako marunong gumawa ng kimchi. 😂 Pero alam ninyo naman ako. Kapag may problema, hindi tayo pwedeng puro analysis. Kailangan EXECUTION. May mga Kasosyo tayong marunong gumawa ng kimchi na agad ding nag-volunteer tumulong. Kaya tinira na natin. KASOSYO KIMCHI 🇵🇭Hindi ito isang product idea na ilang buwan nating pinagplanuhan. Nagsimula ito dahil may farmers na kailangang tulungan at may libo-libong kilo ng gulay na kailangang maisalba. Pero may panibagong problema. Kapag naging kimchi na lahat ito… Saan natin ilalagay? Hindi naman practical na bigla akong bumili ng napakaraming freezer. Kaya ang pinakamagandang solution: Kailangan maibenta natin agad. At dito ko kailangan ang tulong ninyo, mga Kasosyo. Kung gusto ninyong suportahan ang ginagawa natin para sa ating mga farmers, maaari na kayong umorder ng: 250g Kasosyo Kimchi 👉 ORDER HERE: https://kasosyoapp.com/ Ginawa at tinapos natin agad ang online ordering para makapag-order na kayo habang papunta pa lamang sa atin ang mga Chinese cabbage. Hindi ko alam kung magiging perfect agad ang lahat. Pero ang alam ko: Mas gusto kong subukan kaysa panoorin nating mabulok ang pinaghirapan ng farmers. At baka ang maliit na ginagawa nating ito ngayon ay maging simula ng mas malaking sistema sa future. Isang sistema kung saan kapag may farmer na may ganitong problema… May mga Kasosyo na handang tumulong. May marketplace. May buyers. May entrepreneurs. May community. At may mabilis na execution. Hindi natin kayang tulungan lahat ng farmers ngayon. Baka isa o dalawang farmers lang ang matulungan natin dito. Pero at least may masimulan tayo. Kaya kung gusto ninyong maging parte nito: 👉 BUMILI NG KASOSYO KIMCHI DITO: Sa mga nasa Metro Manila, magkakaroon din tayo ng scheduled FREE MEETUP sa: SM Caloocan At para naman sa gustong kumuha ng maraming order o gustong maging RESELLER, message ninyo kami para mapag-usapan natin. Mga Kasosyo… Hindi lang ito tungkol sa kimchi. Ito ay tungkol sa isang simpleng prinsipyo: Kapag may problema, huwag lang tayong magreklamo. Humanap tayo ng paraan. Mag-execute tayo. At kung sama-sama tayong kikilos, baka mas marami pa tayong farmers at maliliit na negosyante na matulungan sa mga susunod na pagkakataon. Maraming salamat, mga Kasosyo. Execute Lang. Walang Susuko. — Kasosyong Arvin 👉 ORDER KASOSYO KIMCHI: |
Kung tunay ka po ng kasosyo ay gusto mo maka tangap ng mga message ko sa inyong email ay give me your email po and click susbcribe